Ang Katuparan ng Panalangin at Pangarap

Hunyo, ngayong taong kasalukuyan.

Nasa bahay lang ako noon. Medyo aligaga sa pagsasa-ayos ng mga kagamitan namin dahil nagsisimula na ang project renovation ng aming munting tahanan ayon na rin sa kagustuhan ni mama na magkaroon ng kaunting pagbabago at mas maging komportable siya sa bahay pati na rin kami.

Panibagong ayos. Panibagong bihis. Panibagong pagsisimula nang mas maaliwalas na perspektibo. Unti-unting paglimot sa bagay na masalimuot pero sadyang marunong ang panahon, may takda nga.

Sa kabila ng pagiging busy noon unang linggo ng Hunyo, muli nagkita kami ng kaibigan kong malapit ng maging ganap na pari at siya’y humihingi ng pabor na nawa’y matulungan siya sa ilang bagay para sa kanyang araw ng ordinasyon bilang tunay na alagad ng Diyos.

Hindi ako nag-atubiling tulungan siya. Matagal na rin kaming magkaibigan, bagama’t hindi kami parehas na karerang tinahak subalit nanaig pa rin ang pagkakaibigan, paghiwalayin man ng panahon at lugar.

Ika-12 ng Hunyo, araw ng Miyerkules, araw ng ordinasyon bilang pari. Araw ng katuparan ng panalangin at pangarap ng aking kaibigan, pati ng kanyan buong pamilya at angkan. Ipinagdiriwang din noon ang araw ng kasarinlan ng bansa, nagmamadali akong gumising at nag-ayos ng sarili para makita ng aking sarili ang tunay na katuparan ng kanyang pagsusumikap sa loob ng seminaryo.

Sampung taon din niyang binuno ang pagpapalakas ng kanyang bokasyon, pananalig, pag-aaral ng pilosopiya at teyolohiya pati ang pagbabagong huhubog sa kanya bilang isang tunay at matapat na alagad ng simbahang Katoliko.

Higit sa mga pagbubunong ito ang pag-alay ng kanyang sarili para sa bokasyon ng pagpapari, ang sa tingin ko ay mahirap isabuhay kung hindi ka talaga naaayon para sa katawagang ito. Mahirap man ipaliwanag pero tanging pananalig, higit sa anu pa man ang siyang magdidikta sa sinumang nagnanais na maglingkod sa Diyos at harapin ang mga hamon ng makamundong buhay tungo sa pagbibigay serbisyong espiritwal, pagpapalakas ng Katolikong paniniwala at pagpapalaganap ng mabubuting salita ng Diyos.

Dumating ang pagsisimula ng ordinasyon. Habang nasa loob ng simbahan, parang lutang ang aking isipan sa aking nasasaksihan. Hindi maipaliwanag na pagkasiya at pagka-nyerbiyos ang aking nararamdaman. Siguro sa sobrang kagalakan at labis na pagmamalaki ko sa aking kaibigan.

IMG_2350

In-appoint ko ang sarili ko bilang isa sa mga opisyal niyang photographer noong araw na iyon. Umalis ako sa aking kinauupuan at tinungo ang altar kung saan naroon siya at kinuhanan ko ng litrato bawat eksenang nakikita ng aking mata. Puno pa rin ng kasiyahan at pagmamalaki ang nasa puso ko kaya’t nanginginig ako sa bawat pitik ko ng button. Ini-akma ko sa auto program ang digital camera ko dahil sa hindi ko nga ma-steady ang kamay ko, kahit pa humilig ako sa pader ng basilica bilang suporta ko.

Natawa ako sa sarili ko at naiinis na rin dahil hindi ako makakuha ng maayos na litrato. Maraming beses ako kung pumitik para lang hindi ko ma-miss ang ilang kaganapan sa altar.

Nagdesisyon akong lumabas ng simbahan at huminga, kalmahin ang sarili at i-relax ang mga daliring sadyang nangingilo sa camerang dala ko. Naninibago rin ako siguro at na-iintimidate dahil sa functions na kayang gawin ng camerang iyon. Natutuwa ako.

Tumayo ulit ako sa harap ng altar at patuloy na kinuhanan ng litrato ang buong pagdiriwang ng katuparan ng pangarap dahil sa paniniwala at panalangin. Dahil sa pamilya, kaibigan at muli ang patuloy na panalangin.

Araw din ng kasarinlan ng bansa ang Miyerkules na iyon. Araw ng kasarinlan din nga para sa aking kaibigan sa kanyang buhay seminaryo at harapin ang hamon ang paglilingkod ng buhay pari.

IMG_2377

Masaya ako at ipinagmamalaki ko ang aking kaibigan. Mabuhay ka Father Estong!

Advertisements

What do you think of this post? Let me know. Thanks.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s